|

Si premyer Wen Jiabao ng Tsina
Sinabi dito sa Beijing ngayong araw ni premyer Wen Jiabao ng Tsina na ang sapat na katotohanan ay nagpapatunay na ang marahas na insidente sa Lhasa ay isang sinasadya at organisadong aksyon na pinakana at pinamunuan ng Dalai Group.
Ipinahayag niyang ang pamahalaang Tsino ay hindi lamang may kakayahang mapangalagaan ang katatagan ng Tibet at normal na kaayusang panlipunan, kundi patuloy na kakatig sa pag-unlad ng kabuhayan at progreso ng lipunan ng Tibet para mapataas ang lebel ng pamumuhay ng mga mamamayan ng iba't ibang nasyonalidad ng Tibet at mapangalagaan ang kultura at kapaligirang ekolohikal ng Tibet.
Salin: vera
|