• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-04-05 17:52:11    
Puno ng IPC, ikinasisiya ang paghahanda ng Qingdao para sa Beijing Olympics

CRI
Pagkaraan ng kanyang paglalakbay-suri sa Qingdao, co-host city ng Beijing Olympic at Paralympic Games, ipinahayag kahapon ni pangulong Philip Craven ng International Paralympic Committee o IPC ang kanyang lubos na kasiyahan sa gawain ng paghahanda ng Qingdao para sa sailing events ng kasalukuyang Olimpiyada.

Ipinahayag ni Craven na napakabuti ng iba't ibang pasilidad sa Qingdao at lalung-lalo na, pinapurihan niya ang pagsisikap ng Qingdao sa konstruksyon ng barrier-free facilities.

Nang araw ring iyon, naglakbay-suri naman sa Qingdao si Hain Verbruggen, tagapangulo ng komisyong tagapagkoordina ng International Olympic Committee para sa Beijing Olympic Games at hinahangaan din niya ang gawain ng paghahanda ng Qingdao.

Salin: Liu Kai