Idinaos ngayong araw ng ministri ng kultura ng Tsina ang news briefing at isinapubliko ang plano ng malaking aktibidad na kultural ng 2008 Beijing Olympic Games.
Ayon kay Ding Wei, asistenteng ministro ng kultura ng Tsina, mula Marso hanggang Setyembre ng kasalukuyang taon, mahigit 260 palabas at halos 160 eksbisyong pansining mula sa mahigit 80 bansa at rehiyon ang isasagawa sa Beijing. Mahigit 20 libong alagad ng sining sa loob at labas ng bansa ang lalahok sa palabas at eksbisyon.
Salin: Sissi
|