|

Dumating kahapon ng hapon, local time, ng Buenos Aires, kabisera ng Argentina ang Beijing Olympic flame. Ito ang kauna-unahang pagdating ng Olympic flame sa Argentina.

Idaraos sa alas-2 bukas ng hapon, local time, sa Buenos Aires ang paghahatid ng sulo. Tatagal nang 3 oras ang aktibidad na mga 13 kilometro ang kabuuang haba ng ruta at lalahukan ng 80 torchbear.

Salin: Sissi
|