Kaugnay ng paghahatid ng sulo ng Beijing Olympic Games sa ibayong dagat, sinabi kahapon ng namamahalang tauhan ng Lupong Tagapag-organisa ng Beijing Olympic Games o BOCOG na pinasasalamatan niya ang pagkatig ng mga lunsod at bansang dinaanan ng Olympic flame at mga mamamayan doon. Binigyang-diin din niyang ang pagsira ng mga tauhang naninindigan sa pagsasarili ng Tibet sa aktibidad na ito ay kinokondena ng mga tao sa buong daigdig na nagmamahal sa diwa ng Olimpiyada.
Sinabi pa ng naturang namamahalang tauhan na bilang isang umuunlad na bansa na maghohost ng Olympic Games, mahigpit na tumatalima ang Tsina sa mga tadhana at kahilingan ng International Olympic Committee o IOC. Ipinahayag niyang sa ilalim ng magkakasamang pagsisikap at pagkatig ng IOC, mga Olympic Committees ng iba't ibang bansa at rehiyon at mga miyembro ng pamilyang Olimpik, maidaraos ng Beijing ang isang matagumpay na Olimpiyadang may katangian at mataas na lebel at iiwan ang natatanging pamana sa pag-unlad ng kilusan ng Olimpiyada.
Salin: Ernest
|