Ipinahayag kahapon sa Beijing ni Cui Dalin, pangalawang puno ng General Administration of Sports ng Tsina na ang delegasyong Tsino na bubuuin ng mahigit 580 manlalaro ay lalahok sa lahat ng 28 aytem ng Beijing Olympic Games at ang kapwa bilang ng kalahok na aytem at manlalaro ay pinakamarami sa kasaysayan ng paglahok ng Tsina sa Olimpiyada.
Ipinalalagay ni Cui na ang pagtamo ng mabuting resulta ay hindi lahat ng mga target ng delegasyong Tsino sa paglahok sa Olimpiyada at bilang delegasyon ng hosting country, umaasa ang Tsina na sa pamamagitan ng paghahanda at paglahok sa Olimpiyada, mapapasulong ang pagpapalitan at pagkakaibigan ng mga mamamayan ng iba't ibang bansa at itatanghal ang progreso ng lipunan at bunga ng usaping pampalakasan ng Tsina.
Salin: Jason
|