Ipinahayag ngayong araw sa Beijing ni Noppadon Patama, ministrong panlabas ng Thailand na ang isyu ng Tibet ay purong suliraning panloob ng Tsina at tinututulan ng kanyang bansa na iugnay ang isyung ito sa Olimpiyada.
Winika ito ni Noppadon sa pag-uusap nila ni Yang Jiechi, ministrong panlabas ng Tsina. Sinabi pa niyang igigiit ng Thailand ang patakarang isang Tsina at nananalig na magtagumpay ang Beijing Olympic Games na sa gayo'y magiging kapurihan ng lahat ng mamamayang Asyano.
Sa pag-uusap, nagpalitan ng guru-guro ang dalawang panig ukol sa relasyon ng dalawang bansa at iba pang isyung panrehiyon at pandaigdig na kapuwa nila pinahahalagahan.
Salin: Sissi
|