Isiniwalat ngayong araw sa Jakarta ni Rita Subowo, pangulo ng Olympic Committee ng Indonesya, na magpapadala ang kanyang bansa ng 23 manlalaro sa Beijing Olympic Games at umaasang matatamo ang medalyang ginto sa aytem ng badminton.
Ayon kay Sobowo, lalahok ang naturang mga manlalaro sa mga paligsahan ng 6 na aytem ng badminton, weight lifting, swimming, track and field, rowing at bicycle sa Beijing Olympic Games.
Salin: Vera
|