Ipinahayag kahapon sa Beijing ni Sha Zukang, Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng UN, na ang pagsira ng mga elementong naninindigan sa pagsasarili ng Tibet sa Beijing Olympic torch relay ay kinokondena ng mga tao ng buong daigdig at hinding hindi magtatagumpay ang kanilang pakana ng pagsira sa Beijing Olympic Games.
Ipinahayag din ni Sha ang pananalig na sa ilalim ng pagkatig ng mga mamamayan ng buong bansa, matagumpay na idaraos ng pamahalaang Tsino ang Beijing Olympic Games.
Salin: Ernest
|