Ipinahayag kahapon ni Lee Chong-Suk, pangalawang direktor ng lupong tagapag-organisa ng Beijing Olympic torch relay sa Pyongyang na handa na ang kanyang bansa para sa paghahatid ng sulo at igagarantiya ang tagumpay nito.
Sinabi ni Lee na ikinalulugod ng mga mamamayan ng Hilagang Korea ang paghohost ng Tsina ng Olimpiyada at umaasang si Kim Jong Il, pinakamataas na lider ng bansa na magtatagumpay ang torch relay sa Pyongyang.
Ayon pa rin kay Lee, sisimulan ang paghahatid ng sulo sa Pyongyang sa umaga ng ika-28 ng buwang ito. Ang aktibidad na halos 20 kilometro ang kabuuang haba ng ruta ay lalahukan ng 80 torchbearer at tatagal nang mga 5 oras.
Salin: Sissi
|