• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-04-25 17:07:46    
Gawaing panseguridad para sa Beijing Olympic Games, handa na

CRI
Sa seremonya ng pagbubukas ng pandaidig na pulong sa seguridad para sa Beijing Olympic Games na idinaos ngayong araw sa Beijing, ipinahayag ni Meng Jianzhu, Ministro ng Seguridad na Pampubliko ng Tsina na handa na ang mga gawaing panseguridad para sa Beijing Olympic Games at may kompiyansa at kakayahan ang pamahalaan at mga mamamayang Tsino para maigarantiya ang ligtas at maalwang pagdaraos ng Olimpiyadang ito.

Ipinahayag ni Meng na kinakailangan ang malawak na paglahok at mahigpit na kooperasyon ng iba't ibang bansa sa daigdig upang maisakatuparan ang seguridad ng Beijing Olympic Games at umaasa siyang lubos na mauunawaan at kakatigan ng iba't ibang panig ang mga hakbanging panseguridad para sa Olimpiyadang ito. Anya pa, palalakasin ng mga departamento ng pagpapatupad ng batas ng Tsina ang pakikipagkooperasyon sa iba't ibang panig sa pagpapalitan ng impormasyon at paglaban sa terorismo para mapawi ang iba't ibang di-makatiwasay na elemento at magkakasamang harapin ang mga biglaang pangyayari.

salin:wle