• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-04-30 11:21:16    
Mamamayang Tsino, magpapakita ng ngiti sa daigdig sa pamamagitan ng Olimpiyada

CRI

Ngayong araw ay 100-araw na countdown ng Beijing Olympic Games. Bilang pagdiriwang sa okasyong ito, nagpalabas nang araw ring iyon ng editoryal ang pahayagang People's Daily ng Tsina na nagbibigay-diing ipapakita ng mga mamamayang Tsino ang kanilang ngiti sa daigdig sa pamamagitan ng Olimpiyada.

Tinukoy ng editoryal na bagama't pinagtatangka ng iilang tao na guluhin at dungisan ang Beijing Olympic Games, hinding hindi nitong babaguhin ang buong tatag na pananabik ng mga mamamayan ng buong daigdig sa Olimpiyada at buong tatag na determinasyon ng mga mamamayang Tsino na idaos ang isang matagumpay na Olimpiyada para sa daigdig.

Ipinahayag din ng editoryal na pumasok na sa pinal na yugto ang gawaing preparatoryo ng Beijing Olympic Games, maalwang isinasagawa ang iba't ibang gawain at may pananalig at kakayahan ang pamahalaan at mga mamamayang Tsino na idaos ang isang Olimpiyadang may katangian at mataas na lebel.

Salin: Liu Kai