Idinaos kahapon ng hapon ng pamahalaan ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong ang maringal na seremonya bilang pagsalubong sa pagdating ng Beijing Olympic flame pagkaraan ng 37 araw na torch relay sa ibayong dagat.
Ipinahayag ni Henry Tang Ying-yen, punong sekretarya sa administrasyon ng pamahalaan ng Hong Kong, na handang handa na ang Hong Kong para maigarantiya ang maayos na paghahatid ng sulo.
Sisimulan bukas ng umaga ang paghahatid ng sulo ng Beijing Olympic Games sa Hong Kong.
Salin: Vera
|