Ipinahayag ngayong araw sa Beijing ni Liu Jian, namamahalang tauhan ng lupong tagapag-organisa ng Beijing Olympic Games sa pangangalap ng boluntaryo, na ang bilang ng mga nagpatalang games-time volunteer ng Beijing Olympic Games ay pinakamalaki sa kasaysayan ng Olimpiyada.
Isinalaysay ni Liu na natapos na ang pagpapatala para maging boluntaryo at nagpatala ang mahigit 1.12 milyong tao na kinabibilangan ng 22 libong dayuhan.
Sinabi rin ni Liu na matatapos sa kabuuan ang pangangalap ng mga boluntaryo sa katapusan ng buwang ito at ang grupo ng boluntaryo ay magiging isang grupong may malawakang pagkakatawan.
Salin: Liu Kai
|