• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-05-16 10:52:17    
Overseas at ethnic Chinese, patuloy sa pag-aabuloy sa nilindol na purok ng Tsina

CRI
Patuloy sa pag-aabuloy ng pondo sa nilindol na purok ng Tsina ang mga overseas at ethnic Chinese, organong pinatatakbo ng pondong Tsino, embahadang Tsino at mga mag-aaral na Tsino sa ibang bansa.

Nitong ilang araw na nakalipas, nag-abuloy ng maraming pondo ang mga samahan o indibiduwal ng overseas at ethnic Chinese sa Pilipinas, Malasiya, Rusya, Italya, Hungary, Brazil, Chile at iba pang bansa.

Ipinadala kahapon sa embahadang Tsino sa Australya ang unang pangkat ng pondo ng halos 56 na libong yuan RMB na iniabuloy ng mga overseas at ethnic Chinese sa Canberra.

Idinaos kawakalawa ng mga mag-aaral na Tsino at organisasyon ng mga overseas at ethnic Chinese sa New York, Chicago at iba pang lugar ng E.U., ang isang serye ng aktibidad ng pag-aabuloy.

Bukod dito, nag-aabuloy ng pondo ang mga bahay-kalakal na pinatatakbo ng pondong Tsino sa Biyetnam at hanggang sa kasalukuyan, lumampas sa 30 libong yuan ang kabuuang halaga ng abuloy.

Ayon pa sa ulat, ang mga embahada ng Tsina sa Myanmar, Biyetnam, Rusya, Syria, Brazil at iba pang bansa ay nag-aabuloy din ng pondo.

Nagpalabas ngayong araw ng pahayag ang embahadang Tsino sa Thailand bilang pasasalamat sa iba't ibang sirkulo at mga overseas at ethnic Chinese sa Thailand para sa kanilang pag-aabuloy.

Salin: Sissi