• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-05-18 16:02:57    
Komunidad ng daigdig, patuloy na nagkaloob ng saklolo sa panig Tsino

CRI

Pagkaraang maganap ang napakalakas na lindol sa Wenchuan County ng Lalawigang Sichuan ng Tsina, ipinagpatuloy kamakailan ng komunidad ng daigdig ang pangungumusta sa panig Tsino at pagkakaloob ng tulong na panaklolo.

Sina pangulong Thabo Mvuyelwa Mbeki ng Timog Aprika, pangulong Cristina Fernandez ng Argentina, pangulong Bharat Jagdeo ng Guiana ang magkakahiwalay na nagpahayag ng kanilang pangungumusta kay pangulong Hu Jintao ng Tsina.

Nagpahayag naman sina tagapangulo Sergi Mironov ng Russian Federation Council, tagapangulo Andrei Popov ng kapulungan ng mga kinatawan ng pambansang asamblea ng Belarus, pangulong Kasym-Zhomart Tokaev ng mataas na kapulungan ng Kazakhstan, pangulong Bernard Accoyer ng pambansang asamblea at pangulong Christian Poncelet ng mataas na kapulungan ng Pransya ng kani-kanilang pangungumusta kay Wu Bangguo, tagapangulo ng pirmihang lupon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina.

Bukod dito, nagpahayag naman ang mga opisyal ng Republika ng Montenegro, Republika ng Fiji Islands, parliamento ng New Zealand, parliamento ng Bolivia, International Organization of Migration at World Economic Forum ng pangungumusta sa panig Tsino.

Sunud-sunod na nagkaloob ang Malaysia, Australia, Italya, Finland, Holland, Croatia, Luxemburg, Espanya at iba pang bansa, ng tulong sa panig Tsino.

Salin: Vera