• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-05-19 09:39:36    
Iba't ibang saray ng Tsina, patuloy na nag-aabuloy sa nilindol na purok

CRI
Pagkaraang maganap ang lindol sa Wenchuan ng Sichuan ng Tsina noong ika-12 ng buwang ito, nitong nakalipas na ilang araw, patuloy na nag-aabuloy ang iba't ibang saray ng lipunan ng Tsina ng bagay at pondo sa nilindol na purok.

Hanggang alas-12 ng kahapon, ini-abuloy na ng 123 malaking bahay-kalakal na ari ng estado ang 932 milyong Yuan RMB at bagay na nagkakahalaga ng 103 milyong Yuan RMB sa mga purok na kalamidad.

Hanggang alas-23 kagabi, lumampas na sa 400 milyong Hong Kong Dollar ang ini-abuloy na pondo ng iba't ibang saray ng lipunan ng Hong Kong sa pamamagitan ng liaison office ng pamahalaang sentral sa HK.

Hanggang sa kasalukuyan, lumampas sa 100 libong Yuan RMB ang ini-abuloy na pondo ng mga monghe ng Lhasa. Bukod dito, magkakahiwalay na nagdasal sila para sa mga nasawi.

Salin: Andrea