Pagkaraang isagawa ngayong araw sa Tiananmen Square ng Beijing ang normal na seremonya ng pagtataas ng pambansang watawat ng Tsina, naka-half-mast ang watawat bilang pakikiramay ng mga mamamayan ng iba't ibang nasyonalidad ng buong bansa sa mga nasawi sa napakalakas na lindol sa Wenchuan ng Sichuan.
Naka-half-mast din kaninang umaga ang mga watawat sa mga mahalagang lugar ng HKSAR at MacaoSAR na gaya ng organo ng pamahalaan at paaralan bilang pakikiramay sa mga nasawi sa lindol.
Hanggang alas-14 kahapon, 32476 na tao sa mga lugar na gaya ng Sichuan, Gansu at Shaanxi, ang nasawi napakalakas na lindol na naganap noong ika-12 ng kasalukuyang buwan sa Sichuan, at mahigit 220 libo iba pa ang nasugatan. Ipinasiya ng konseho ng estado ng Tsina na maging "pambansang araw ng pagdadalamhati" mula ngayong araw hanggang ika-21 ng buwang ito. Sa panahong ito, ihininto ang aktibidad ng paghahatid ng Olympic torch relay sa loob ng Tsina.
Salin: Li Feng
|