• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-05-19 15:26:06    
Komunidad ng daigdig, overseas at ethnic Chinese at kaibigang pandaigdig, patuloy na ipinagkaloob ang tulong sa nilindol na purok

CRI
Pagkaraang maganap ang napakalakas na lindol sa Wenchuan ng Sichuan ng Tsina noong ika-12 ng buwang ito, nitong nakalipas na ilang araw, patuloy na nag-aabuloy ng pondo ang komunidad ng daigdig, overseas at ethnic Chinese at kaibigang pandaigdig sa nilindol na purok.

Nagpahayag ng pakikiramay kay pangulong Hu Jintao ng Tsina sina pangulong Thabo Mvuyelwa Mbeki ng Timog Aprika, pangulong Cristina Fernandez de Kirchner ng Argentina, pangulong Robert Gabriel Mugabe ng Zimbabwe, Punong Ministrong Stephen Harper ng Kanada at iba pa. Nagpahayag din ng pakikiramay kay Premiyer Wen Jiabao ng Tsina sina Punong Ministrong Abdullah Ahmad Badawi ng Malaysiya, PM Oqil Oqilov ng Tadzhikistan, PM Francois Fillon ng Pransiya, PM Fredrik Reinfeldt ng Sweden, PM Ahmed Mahmoud Mohamed Nazef ng Ehipto.

Ipinasiya kamakailan ng pamahalaan ng Malaysiya na ipagkaloob ang 1.5 milyong dolyares na tulong sa Tsina. Sa pamamagitan ng International Red Cross, ipinagkaloob ng pamahalaan ng Australya ang 1 milyong AUD na tulong sa panig Tsino. Ipinagkaloob ng pamahalaan ng Italya ang 500 libong Euro at tulong na materyal sa Tsina. Ipinasiya ng pamahalaan ng Finland na magkaloob ng 500 libong Euro sa panig Tsino. Sa pamamagitan ng International Red Cross, ipinagkaloob ng Netherlands ang 500 libong Euro na tulong sa Tsina.

Kasabay nito, aktibong nag-aabuloy ng pondo sa purok na kalamidad ang mga overseas at ethnic Chinese at mag-aaral na Tsino sa ibang bansa. Idinaos kahapon ng Chamber of Trade and Commerce ng Tsina sa E.U. ang pagtatanghal na nakolekta ang mahigit 100 libong dolyares. Nag-abuloy ang mga overseas at ethnic Chinese sa Portugal ng mahigit 80 libong Euro. Lumampas sa 100 libong Euro ang ini-abuloy na pondo ng mga overseas at ethnic Chinese sa Greece. Umabot sa mga 14 libong dolyares ang ini-abuloy na pondo ng ilang mangangalakal na Tsino sa Saudi Arabia. Nag-abuloy naman ang samahan ng mga mangangalakal na Tsino sa Myanmar ng halos 18 libong dolyares. Nakolekta ng samahan para sa pagkakaibigan ng mga mag-aaral na Tsino sa buong Hapon ang 3 milyong Japanese Yen para sa pakikibaka sa kalamidad. Bukod dito, aktibong nag-aabuloy ng pondo sa purok na kalamidad ang mga overseas at ethnic Chinese at mag-aaral na Tsino sa Pransya, Indonesiya, Alemanya, Iceland, Turkey at Chinese medical group sa Congo.

Ayon pa sa ulat, magkakasunod ng nagpalabas ng artikulo ang mga media na dayuhang gaya ng Lianhezaobao ng Singapore, RIA Novosti, Expresso ng Portugal, The Los Angles Times, The Australian, bilang papuri sa pamahalaan at mga mamamayang Tsino na aktibo at mabisa ang mga gawaing panaklolo, bukas at malinaw ang pag-uulat at impormasyon at nananalig silang may kakayahan ang mga mamamayang Tsino sa pagtatayo muli ng kanilang lupang tinubuan.

Salin: Sissi