Alas-14:28 ngayong hapon, kasama ang sambanayang Tsino, ang mga lider ng Tsina na kinabibilangan nina Pangulong Hu Jintao, Jiang Zemin, Wu Bangguo, Wen Jiabao, Jia Qinglin, Li Changchun, Xi Jinping, Li Keqiang at Zhou Yongkang ay nag-obserba ng tatlong minutong katahimikan bilang pakikidalamhati sa mga nasawi sa lindol sa Lalawigang Sichuan.
Ngayong umaga naman, pagkaraang itaas ang pambansang watawat ng Tsina, inilagay nito sa kalahating tagdan bilang pakikidalamhati sa mga biktima ng lindol.
Kasabay nito, ang mga sugong dayuhan na nakatalaga sa Tsina mula sa 80 bansa at organisasyong pandaigdig ay magkakasunod na nagsadya sa Ministring Panlabas ng Tsina para magpahayag ng kanilang pagluluksa sa mga namatay sa lindol.
Ngayong umaga, sa mga espesyal na rehiyong administratibo ng HongKong at Macao naman, inilagay rin sa kalahating tagdan ang pambansang watawat.
Nakilahok din sa pag-oobserba ng katahimikan ang mga embahada ng Tsina sa ibayong dagat, mga Tsino na nasa ibayong dagat at gayundin ang mga grupong panaklolo mula sa Rusya, Singapore, Timog Korea at Hapon na nandoon sa nilindol na lugar para sa mga gawaing pagliligtas.
Hanggang alas-12 ngayong tanghali, mahigit 34,073 tao ang nasawi sa lindol at mahigit 240 libong iba pa ang nasugatan.
|