Ayon sa ulat ngayong araw ng People's Daily, komprehensibong isinagawa ang wastong paghawak ng mga hayop upang hindi humantong sa kapinsalaan sa nilindol na purok ng lalawigang Sichuan ng Tsina at hanggang sa kasalukuyan, hinawakan ang halos 10 milyong hayop at poltri.
Ipinahayag ni Sun Zhengcai, Ministro ng Agrikultura ng Tsina, na ang pagpigil ng epidemiya ay kasalukuyang pinakamahalagang tungkulin sa relief work ng agrikultura at dapat tulungan ng mga departamentong agrikultural sa iba't ibang antas ang mga apektadong magsasaka na samantalahin ang panahong pansaka sa mabilis na pag-aani at pagtanim at mapanumbalik ang produksyon sa sinalantang purok.
Ayon sa salaysay, nandoon na ang mga grupong medikal ng Tsina sa bawat nayon at bayan sa nilindol na purok ng Sichuan. Hanggang sa kasalukuyan, walang naiulat na malaking kalagayang epidemiko at biglaang insidente ng kalusugang pampubliko sa sinalantang purok.
Salin: Ernest
|