Sinabi ngayong araw sa news briefing sa Beijing ni Li Chengyun, pangalawang gobernador ng Lalawigang Sichuan ng Tsina, na patuloy na isasagawa nang mabisa at maayos ang gawaing panaklolo sa nilindol na purok ng Sichuan.
Sinabi ni Li na patuloy na ililigtas ng mga may kinalamang departamento ang mga namumuhay pa, bibigyang-lunas ang mga nasugatan at palalawakin ang saklaw ng saklolo. Samantala, buong sikap na patutuluyin ang mga apektadong tao, igagarantiya ang kanilang pagkain at tubig-inumin at magsisikap para ipagkaloob sa loob ng isang buwan ang mga pansamantalang tahanan sa 98% apektadong tao.
Ipinahayag pa niyang palalakasin ng Sichuan ang pagpigil sa epidemiya, pabibilisin ang pagpapanumbalik ng imprastruktura at aktibong ihahanda ang rekonstruksyon.
Salin: Liu Kai
|