• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-05-23 16:48:21    
Komunidad ng daigdig, patuloy sa pagkakaloob ng tulong sa Tsina

CRI
Nitong ilang araw na nakalipas, patuloy ang komunidad ng daigdig sa pagkakaloob ng tulong na pondo at materyal sa nilindol na purok ng Tsina.

Inihatid na ng Argentina ang unang pangkat ng tulong na materyal at handang-handa na ang ika-2 pangkat.

Ipapadala ng Alemanya ang 2 pang tauhang panaklolo at isa pang pangkat ng materyal na medikal.

Pinarating kahapon ng umaga sa Chengdu ang mga tulong na materyal na muling ipinagkaloob ng USAID o United States Agency for International Development. Inihatid kahapon sa Tsina ang mga tolda, damit at iba pang tulong na materyal na iniabuloy ng Turkmenistan at Tadzhikistan.

Ipinasiya ng pamahalaan ng Pakistan na muling magkaloob ng 10 libong tolda sa Tsina at sa gayo'y aabot sa 22260 ang bilang ng mga toldang iniabuloy nito.

Nang araw ring iyon, nag-abuloy ng 100 libong AUD ang Westpac Banking Corp. ng Australya. Ipinasiya rin ng Generale Banque de Mauritania na mag-abuloy ng 200 libong dolyares.

Salin: Sissi