Pinapatnubayan ngayon ni Premiyer Wen Jiabao ng Tsina ang gawaing panaklolo sa nilindol na purok ng Lalawigang Sichuan.
Si Wen ay dumating kahapon ng hapon ng Mianyang ng Sichuan. Pagkadating, agaran siyang pumunta sa Beichuan para malaman ang kalagayan ng kalamidad.
Kaninang umaga, pumunta si Wen sa Mianyang at Deyang. Pumunta siya sa mga ospital para malaman ang kalagayan ng pagbibigay-lunas sa mga nasugatan. Pumunta rin siya sa tuluyan ng mga mag-aaral mula sa Beichuan High School para malaman ang kalagayan ng pag-aaral ng mga estudyante.
Kaninang hapon, pumunta si Wen sa Pengzhou para malaman ang kalagayan ng gawaing panaklolo at pamumuhay ng mga apektadong mamamayan. Binigyang-diin din niyang dapat buong husay na isagawa ang pagpigil sa epidemiya.
Salin: Liu Kai
|