Idinaos kagabi ang ika-13 pulong ng pamunuan ng Konseho ng Estado ng Tsina sa gawaing panaklolo sa nilindol na purok.
Sa pulong na ito, isinaayos nang may priyoridad ang gawain ng pagpigil sa epidemiya sa nilindol na purok.
Ipinasiya rin ng nabanggit na pamunuan na buuin ang grupo ng pagpaplano ng rekonstruksyon pagkaraan ng lindol at ipinahayag na matatapos sa loob ng tatlong buwan ang pagbalangkas ng komprehensibong plano sa rekonstruksyon.
Salin: Liu Kai
|