Sa Bayang Yingxiu, lugar na pinakagrabeng naapektuhan sa napakalakas na lindol sa Lalawigang Sichuan ng Tsina, nagtagpo ngayong umaga sina premyer Wen Jiabao ng Tsina at dumadalaw na pangkalahatang kalihim Ban Ki-moon ng UN.
Sa pagtatagpo, sinabi ni Ban na tutulungan hangga't makakaya ng UN ang Tsina sa gawaing panaklolo at rekonstruksyon sa nilindol na purok.
Sa isang may kinalamang ulat, nang kapanayamin siya ng mamamahayag ng CRI ngayong araw sa Yingxiu, ipinahayag ni Ban Ki-moon na kumakatig sa gawaing panaklolo ng Tsina ang UN at buong komunidad ng daigdig.
Salin: Liu Kai
|