• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-05-25 16:14:56    
Wen Jiabao: dapat magsikap para panumbalikin ang normal na pamumuhaya ng mga mamamayan sa loob ng 3 buwan

CRI
Nakiramay kahapon si Wen Jiabao, Premiyer ng Tsina at Puno ng Pangkalahatang Kuwartel ng Konseho ng Tsina sa pakikibaka laban sa lindol at gawaing panaklolo, sa mga nabiktimang mamamayan sa mga purok ng kalamidad ng lalawigang Sichuan. Sinabi niyang kasabay ng patuloy na pagpapabuti ng gawain ng pagliligtas, dapat ipauna ang mga gawain ng pagsasaayos ng mga nabiktimang mamamayan at rekonstruksyon, at dapat magsikap para isaayos ang mga nilindol na purok at mapanumbalik ang normal na pamumuhay ng mga nabiktimang mamamayan sa loob ng darating na 3 buwan .

Sa nayong Yingxiu, si Wen ay nakipagtagpo kay pangkalahatang kalihim Ban Ki-moon ng UN na naglalakbay-suri doon. Ipinahayag ni Wen na pagkatapos ng lindol, ipinagkaloob ng iba't ibang bansa ng daigdig at UN ang pangkagipitang tulong sa Tsina, at taos-pusong pinasasalamatan ito ng pamahalaan at mga mamamayan ng Tsina.

Ipinahayag ni Ban na nakahandang patuloy na ipagkakaloob ng UN hangga't makakaya ang lahat na posibleng pagkatig at tulong sa rekonstruksyon ng purok ng kalamidad ng Tsina.

Nangulo kagabi sa working meeting hinggil sa pakikibaka laban sa lindol at gawaing panaklolo si premiyer Wen.

Ayon pa sa ulat, napanumbalik na ang operasyon ng Baoji-Chengdu railway na grabeng apektado ng lindol. Ipinahayag ni pangulong Hu Jintao ng Tsina ang pasasalamat sa lahat na tagapagtrabaho sa pagkumpuni sa railway na ito. Ipinahayag niyang ang pagpapanumbalik ng operasyon ng railway na ito ay nagkaloob ng malakas na garantiya sa pangangailangan ng mga relief work.

Salin:Sarah