• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-05-26 16:19:36    
Lee Kuan Yew, positibo sa gawaing panaklolo ng Tsina

CRI
Binigyan kahapon ni Lee Kuan Yew, Minister Mentor ng Singapore, ng positibong pagtasa ang gawaing panaklolo ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino pagkaraang maganap ang napalakas na lindol sa Lalawigang Sichuan ng Tsina.

Sinabi ni Lee na mabilis, bukas at maliwanag ang gawaing panaklolo ng pamahalaang Tsino. Hinahangaan niya ang lubos na pagpapahalaga ng mga lider na Tsino sa gawaing panaklolo, aktibong paglahok sa gawaing ito ng mga sundalo, pulis at pati ng mga boluntaryo at pag-aabuloy ng maraming mamamayan bilang tulong sa kanilang mga apektadong kababayan. Anya, sa kasalukuyang gawaing panaklolo, ipinakikita ang pagkakaisa at pagtutulungan ng nasyong Tsino.

Salin: Liu Kai