Napag-alaman kahapon ng mamamahayag mula sa Ministri ng Kalusugan ng Tsina na hanggang alas-8 kahapon ng umaga, mahigit 5 libong nasugatan sa napakalakas na lindol sa Lalawigang Sichuan ang binibigyang-lunas sa 12 iba pang lalawigan, rehiyong awtonomo at munisipalidad ng bansa.
Nang araw ring iyon, inihatid din sa iba pang lugar ang 822 pang nasugatan.
Ayon sa plano ng nabanggit na ministri, bago ang katapusan ng buwang ito, 8 libong nasugatan lahat-lahat sa nilindol na purok ang ihahatid sa iba't ibang lugar ng Tsina para bigyang-lunas.
Salin: Liu Kai
|