• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-05-26 17:50:28    
Pulitburo ng CPC, pinag-aralan at isinaayos ang gawaing panaklolo at rekonstruksyon

CRI
Nagpulong ngayong araw ang Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina para pag-aralan at isaayos ang gawaing panaklolo sa nilindol na purok at rekonstruksyon pagkaraan ng lindol.

Tinukoy sa pulong na sa pamamagitan ng magkakasamang pagsisikap ng partido, tropa at mga mamamayan ng bansa, masiglang pag-aabuloy ng mga kababayan ng Hong Kong, Macao at Taiwan at overseas and ethnic Chinese at aktibong pagtulong ng pamahalaan ng mga ibang bansa at organisasyong pandaigdig, nagkamit na ng mahalagang bunga sa isang yugto ang gawaing panaklolo.

Ipinahayag sa pulong na sa kasalukuyan, dapat patuloy na iligtas ang mga nakukulong na tao at bigyang-priyoridad ang mga gawaing patuluyin ang mga apektadong tao, panumbalikin ang produksyon at isagawa ang rekonstruksyon.

Hiniling din ng pulong sa iba't ibang lugar at departamento na habang buong sikap na tinutulungan ang nilindol na purok, patuloy na panatilihin ang matatag at may-kabilisang pag-unlad ng kabuhayan at ang harmonya at katatagan ng lipunan at mabuting isagawa ang paghahanda para sa Beijing Olympic at Paralympic Games.

Salin: Liu Kai