Sinabi kahapon ni Du Xiaoyan, pangalawang puno ng Departamento ng Suliraning Sibil ng Sichuan ng Tsina, na mabilis at mabisang ipinamamahagi sa nilindol na purok ng lalawigang ito ang mga tulong na materyal mula sa mga bansang dayuhan, pandaigdigang organisasyon at overseas and ethnic Chinese.
Sinabi ni Du na ang lahat ng mga tulong na materyal mula sa ibayong dagat ay natatanggap ng mga departamento ng suliraning sibil at nabuo na ang isang serye ng mabilis at mabisang mekanismo ng pagpapasok at pamamahagi ng mga materyal na ito.
Sinabi rin niyang pinalakas na ng pamahalaan ang pagsusuperbisa sa pamamahagi ng mga tulong na materyal at winewelkam ang pagsusuperbisa ng publiko.
Salin: Andrea
|