• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-05-28 16:01:42    
Pamahalaang Tsino, isinapubliko ang plano sa paggamit ng mga pondo at materyal sa nilindol na purok

CRI
Tinukoy kahapon sa Beijing ni Yu Jianliang, tagapagsalita ng Ministri sa Suliraning Sibil ng Tsina na itinakda na ng kanyang ministri ang plano hinggil sa paggamit ng mga inilaan at iniabuloy na pondo at materyal sa nilindol na purok.

Sinabi ni Yu na sa kasalukuyan, ipinamigay na ng naturang ministri sa Sichuan, Gansu, Shaanxi at Chongqing ang karamihan sa mga iniabuloy na pondo na ang bilang ay 1.24 bilyong yuan RMB.

Ipinahayag din niyang ipinadala na noong ika-20 ng buwang ito ng National Audit office ang mga tauhan nito sa Ministri sa Suliraning Sibil para oditin ang iba't ibang pondo at materyal na panaklolo sa nilindol na purok at komprehensibong malaman ang aktuwal na kalagayan ng inilaang pondo ng pamahalaan at iniabuloy na pondo at materyal mula sa loob at labas ng bansa.

Salin:Sarah