Tumawag kahapon ng hapon si premiyer Wen Jiabao ng Tsina ng pulong ng pamunuan ng Konseho ng Estado ng Tsina sa gawaing panaklolo sa nilindol na purok para itakda ang 8 pokus ng gawaing ito sa susunod na yugto.
Ang naturang 8 pokus ay: puspusang bigyang-lunas ang mga nasugatan, mabuting isaayos ang pamumuhay ng mga apektadong tao, komprehensibong palakasin ang pagpigil sa epidemiya, maayos na hawakan ang mga suliraning may kinalaman sa mga biktima, iwasan ang secondary diseaster, panumbalikin ang produksyon, panatilihin ang katatagan sa mga nilindol na purok at isagawa ang paghahanda para sa rekonstruksyon.
Pinag-aralan din sa pulong ang mga isyung patuluyin ang mga apektadong tao, pigilin ang epidemiya, hawakan ang panganib na dulot ng quake lake at iba pa.
Salin:Sarah
|