Ipinahayag ngayong araw ni Xiong Yumei, pangalawang direktor ng Kawanihang Panturista ng Beijing na maayos na ang paghahanda ng Beijing para sa pagtanggap sa mga turista sa panahon ng Olimpiyada.
Sinabi ni Xiong na natapos sa kabuuan ang pagtayo at pagbabago ng mga pasilidad na panturista sa Beijing at naitatag ang sistema ng pagsasapubliko ng impormasyong panturismo at serbisyo ng pagpapayong panturista sa panahon ng Olimpiyada.
Ayon sa salaysay, sa panahon ng Beijing Olympic Games, makakapagkaloob ang Beijing ng mahigit 330 libong silid para sa mga turista na mas marami kaysa bilang ng Athen at Sydney Olympic Games.
Salin: Sissi
|