Idinaos dito sa Beijing ngayong araw ang "pagdaigdigang porum hinggil sa Paralympics sa 2008" na dinaluhan ng mga iskolar, opisyal at may-kapansanang manlalaro na pinag-uukulan ng pansin ang mga may kapansanan at pag-unlad ng usaping pampalakasan, at sila ay galing sa 13 bansang gaya ng Tsina, Kanada, Portugal at Pransya.
Sa kaniyang talumpati, sinabi ni Tang Xiaoquan, pangalawang tagapangulong tagapagpaganap ng Beijing Olympic Committee, na ilalagom ng porum na ito ang bunga ng paghahanda para sa Beijing Paralympics sa unang yugto at pag-aaralan ang sulong na karanasan sa daigdig.
Salin: Li Feng
|