Sa kanyang pagsusuri kamakailan sa kalagayan ng lindol sa Lalawigang Sichuan ng Tsina, binigyang-diin ni Wu Bangguo, tagapangulo ng pirmihang lupon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina, na dapat igiit ang prinsipyong "ipauna ang mamamayan" sa mga gawaing panaklolo.
Hiniling ni Wu sa mga kinauukulang departemento na itatag ang sistema ng pagpigil sa epidemiya na sumasaklaw sa buong nilindol na purok, buong higpit na isagawa ang sistema ng pag-uulat ng epidemiya, pigilin ang iba't ibang secondary diseaster, pahigpitin ang pagsusuri sa mga quake lake at nasirang reservoir, itakda ang mga katugong pangkagipitang plano at isagawa ang mabibisang hakbangin para patuluyin ang mga apektadong tao.
Binigyang-diin din ni Wu na dapat palakasin ang pamamahala at pag-odit sa mga pondo at materyal na panaklolo.
Salin:Sarah
|