Nang kapanayamin siya kahapon sa Beijing, lubos na hinangaan ni Hans Anders Troedsson, punong kinatawan ng World Health Organization sa Tsina, ang pangkagipitang gawaing panaklolo at hakbangin ng pagpigil sa epidemiya na ginagamit ng pamahalaang Tsino sa nilindol na purok ng Lalawigang Sichuan at sinabi niyang agad mabisa at komprehensibo ang naturang mga aksyon.
Tinukoy ni Troedsson na nagkaloob na ang WHO ng tulong na teknikal sa Tsina para maigarantiya ang agarang pagkatuklas at pagkontrol sa epidemiya.
Bukod dito, nagplano rin ang WHO na ipapadala sa unang dako ng susunod na buwan ang isang grupong bubuuin ng 5 dalubhasa para tulungan ang Tsina sa rekonstruksyon ng sistema ng serbisyong pangkalusugan sa nilindol na purok.
Salin: Ernest
|