Nangumusta ngayong araw sa Chengdu si ministrong panlabas Yang Jiechi ng Tsina sa mga grupong medikal ng Britaniya, Cuba, Hapon at Rusya na kalahok sa gawaing panaklolo sa nilindol na purok.
Ipinahayag ni Yang na pagkaraang maganap ang napakalakas na lindol sa Lalawigang Sichuan ng Tsina, ipinagkaloob ng komunidad ng daigdig ang iba't ibang katig at tulong sa Tsina na lubos na nagpapakita ng pakikipagkaibigan ng mga mamamayan ng iba't ibang bansa sa mga mamamayang Tsino at kanilang makataong diwa at nagbibigay din ng positibong ambag para sa gawaing panaklolo ng Tsina. Sa ngalan ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino, pinasalamatan niya ang iba't ibang bansa.
Mataas na pinapurihan naman ng mga grupong medikal ang mabilis at mabisang gawaing panaklolo ng pamahalaang Tsino at umaasa silang mapagtatagumpayan ng Tsina ang kalamidad sa lalong madaling panahon.
Salin:Sarah
|