Sa kanyang pagsusuri sa kalagayan ng lindol sa Lalawigang Sichuan, binigyang-diin kahapon ni pangalawang premyer Hui Liangyu ng Tsina na dapat isagawa ang siyentipikong gawaing panaklolo batay sa batas na obhetibo, sulong na teknolohiya at mungkahi ng mga dalubhasa.
Umaasa siyang palalalimin ng mga dalubhasa ang pananaliksik at ihaharap ang mas maraming palagay at mungkahi na makakatulong sa paglutas ng mga kahirapan.
Hiniling pa niya sa mga departamento sa suliraning sibil na maayos na patuluyin ang mga apektadong tao, buong taimtim na lutasin ang isyu ng kanilang pagkain, tubig-inumin, pananamit at iba pa at pabutihin ang pamamahala at paggamit ng mga pondo at materyal na panaklolo.
Salin: Liu Kai
|