• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-05-31 15:46:24    
Jia Qinglin, pumunta sa mga lugar na pinakagrabeng naapektuhan sa lindol

CRI

Magkakasunod na pumunta kahapon si Jia Qinglin, tagapangulo ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino, sa Bayang Yingxiu, Lunsod ng Dujiangyan at Lunsod ng Guanghan na pinakagrabeng naapektuhan sa napakalakas na lindol sa Lalawigang Sichuan para suriin ang kalagayan at patnubayan ang gawaing panaklolo.

Sa naturang mga lugar, kinumusta ni Jia ang mga apektadong tao at mga sundalo, pulis, boluntaryo at iba pang tauhang kalahok sa gawaing panaklolo. Ipinahayag din niya ang pagbati sa mga bata para sa pandaigdig na araw ng mga bata.

Umaasa rin si Jia na patuloy na magsisikap ang buong lipunan ng Tsina para magbigay-tulong sa gawaing panaklolo.

Salin: Liu Kai