Sa news briefing kahapon hinggil sa gawaing panaklolo ng Lalawigang Sichuan ng Tsina, ipinahayag ng departamento ng patubig ng Sichuan na pangkagipitang isinasagawa ngayon ang pagkukumpuni sa mga sinirang reservoir at dyke na dulot ng lindol.
Sinabi ni Hu Yun, pangalawang direktor ng departamentong ito na pagkaraang maganap ang lindol, pangkagipitang idinideploy ng ministri ng patubig ang maraming tauhan mula sa buong bansa para tulungan ang mga puwersa sa lokalidad sa komprehensibong pagsusuri sa 1803 reservoir na sinira sa lindol. Matatapos ang pangkagipitang pagkukumpuni sa lahat ng mga sinirang reservoir bago dumating ang ika-20 ng buwang ito.
Salin: Vera
|