• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-06-02 09:33:36    
Liang Baohua, nakipagtagpo sa pangkalahatang kalihim ng CPV

CRI
Nakipagtagpo kagabi sa Nanjing si Liang Baohua, kalihim ng komiteng panlalawigan ng Partido Komunista ng Tsina sa Jiangsu, kay Nong Duc Manh, pangkalahatang kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Biyetnam o CPV.

Isinalaysay ni Liang ang kalagayan ng pag-unlad ng kabuhaya't lipunan ng Jiangsu. Sinabi niyang aktibong kakatigan at eenkorahehin ng kanyang lalawigan ang mga bahay-kalakal na mamuhunan sa Biyetnam at patuloy na palakasin ang pagpapalitan sa agrikultura, kultura, edukasyon at iba pang aspekto para magbigay ng bagong ambag sa pag-unlad ng relasyong pangkaibigan ng dalawang bansa.

Umaasa naman si Nong na ibayo pang palalakasin ng Jiangsu ang pagpapalitan at pagtutulungan nila ng Biyetnam para mapasulong ang komong kaunlaran ng dalawang panig sa iba't ibang aspekto.

Salin: Sissi