 Ipinahayag kahapon ni Li Changchun, pirmihang kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina, na tumimo sa buong bansa ang matigas na kalooban at walang tigil na pagsisikap ng mga apektadong mamamayan sa nilindol na purok. Umaasa siyang sisigla at patuloy na magsisikap ang mga apektadong mamamayan para maitayo ang mas magandang lupang-tinubuan.
Mula Hunyo Uno hanggang kahapon, sumadya si Li sa Mianyang, Deyang, Chengdu at iba pang lugar ng Lalawigang Sichuan na naapektuhan ng lindol para suriin ang kalagayan ng lindol, kumustahin ang mga apektadong mamamayan at tauhang panaklolo at patnubayan ang gawaing panaklolo.
Salin: Liu Kai
|