• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-06-04 16:07:48    
Tsina, isinapubliko ang simulain ng pagpapatuloy ng mga walang kamag-anak

CRI

Isinapubliko kamakailan ng Ministri ng mga Suliraning Sibil ng Tsina ang mungkahi hinggil sa pagbibigay-tulong at pagpapatuloy ng mga ulila at walang kamag-anak na matatanda at may kapansanan sa napakalakas na lindol sa Wenchuan County ng Lalawigang Sichuan.

Kaugnay ng mga batang hanggang ngayo'y hindi pa makahanap ng kanilang kamag-anak, iniharap ng mungkahi na sa isang banda, tulungan silang humanap ng kanilang mga magulang at kamag-anak sa lalong madaling panahon, at sa kabilang banda naman, ayusin sila sa mga organo ng kagalingan at paaralang pampubliko na may medyo mainam na kondisyon sa loob ng Lalawigang Sichuan sa lalong madaling panahon.

Kaugnay ng mga walang kamag-anak na matatanda at may kapansanan, iminungkahi nitong dapat lubos na gamitin ang umiiral na organo ng kagalingan sa loob ng lalawigang ito para patuluyin sila. Kung may kahirapan sa pagpapatuloy nila sa loob ng lalawigan, maayos na patuluyin sila sa mga maunlad na lalawigan sa pamamagitan ng pagkokoordina ng ministring ito.

Salin: Vera