Sa isang pirmihang pulong ng Konseho ng Estado ng Tsina na idinaos kahapon sa Beijing, sinuri at pinagtibay sa prinsipyo ang burador na regulasyon hinggil sa rekonstruksyon at reabilitasyon ng mga apektadong lugar pagkaraan ng lindol ng Wenchuan.
Nangulo sa naturang pulong si Premyer Wen Jiabao. Nilinaw ng burador ang mga prinsipyo na gaya ng pagpapauna ng mga tao, siyentipiko't pangkalahatang pagpaplano at yugtu-yugtong pagsasagawa. Hiniling din nito sa mga may kinalamang panig na bukas at makatwirang mamahagi at gumamit ng pondo, metaryal at pansamantalang tirahan at kaugnay ng rekonstruksyon, bigayan ng priyoridad ang transportasyon, telekomunikasyon, suplay ng koryente, suplay ng tubig, pabahay at pagtatayo ng paaralan at hospital. Ayon sa regulasyon, ang mga pampublikong instalasyon na gaya paaralan at ospital dapat makatugon sa requirements pagdating sa pagtatanggol laban sa lindol .
salin:wle
|