Idinaos ngayong araw sa Beijing ng pirmihang lupon ng pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina o CPC ang pulong para magplano ng gawain sa pagtulong sa rekonstruksyon sa mga apektadong purok ng lindol sa Wenchuan ng lalawigang Sichuan. Nangulo sa pulong na ito si Hu Jintao, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC.
Tinukoy sa pulong na ang malakas na lindol na ito ay nagbunga sa pinamalaking pagkasira sa pinakamalaking saklaw sapul nang itatag ang bagong Tsina. Ang rekonstruksyon pagkatapos ng kalamidad ay isang napakahirap na tungkulin, upang pabilisin ang rekonstruksyon, batay sa prinsipyo ng pagtulong ng isang lalawigan sa isang sinalantang bayan, dapat buong lakas na magsikap ang buong bansa para sa makatwirang paggamit ng puwersa, pagbuo ng mekanismo ng pagtutulungan sa pagitan ng mga katulad na yunit.
Salin: Ernest
|