• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-06-06 13:00:08    
Tsina: gawaing preparatoryo para sa gaganaping Olimpiyada, maayos

CRI

Ipinahayag kahapon ni Liu Qi, tagapangulo ng lupong tagapag-organisa ng Beijing Olympic Games o BOCOG, maayos na  ang mga gawaing preparatoryo para sa gaganaping Olympics at Paralimpics.

 

Ipinaalam nang araw ring iyon ng BOCOG sa International Olympic Committee, IOC ang hinggil sa pinakahuling progreso ng paghahanda para sa Beijing Olympic Games. Sa video meeting, unang una, nagpahayag si Liu ng taos-pusong pasasalamat sa pagkatig at pakikiramay ng IOC sa mga nilindol na purok ng Sichuan. Pagkatapos nito, isinalaysay ni Liu ang mga may kinalamang isyu  ukol sa sistema ng pamumuno sa panahon ng Olympiyada, pag-issue ng visa sa mga tauhang dayuhang paparito sa Tsina, pangangalaga sa tatak ng Olympiyada at iba pa.

 

Ipinahayag naman ni Jacques Rogge, pangulo ng IOC ang kanyang paghanga sa mga isinasagawang paghahanda ng Beijing para sa gaganaping Olimpiyada. Lipos aniya ng kompiyansa ang IOC na magtatagumpay ang Beijing Olymic Games.

Salin: Sissi