• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-06-07 17:15:42    
Tangjiashan quake lake, sinimulang padaluyin ang tubig

CRI
Sinimulang padaluyin ang tubig ng Tangjiashan quake lake sa nilindol na purok ng Lalawigang Sichuan ng Tsina. Umaagos ngayon ang tubig sa isang man-made sluice channel. Ngaunit dahil sa maliit na bolyum ng pag-agos ng tubig, tumataas pa rin ang water lebel ng lawang ito.

Ayon sa mga dalubhasa, maliit na ang posibilidad sa pagbagsak ng dam ng quake lake. Ngunit para maigarantiya ang kaligtasan, inilipat na pa rin sa ligtas na rehiyon ang mahigit 200 libong tao sa ibabang bahagi ng lawa. Sa kasalukuyan, nahuhukay ang isa pang kanal para mapabilis ang pagpapadaloy ng tubig.

Nauna rito, sa kanyang ikatlong beses na pagsusuri sa nabanggit na quake lake, muling binigyang-diin kahapon ng hapon ni premyer Wen Jiabao ng Tsina na ang isinasagawang paghawak sa lawang ito ay hindi hinding ikakasugat ng kahit isang tao.

Salin: Liu Kai