Ipinalabas ngayong hapon ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina na hanggang alas-12 ngayong araw, 69146 na tao ang nasawi sa napakalakas na lindol sa Sichuan, mahigit 370 libo ang nasugatan, 17516 ang nawawala.
Ayon sa ulat ng Ministri ng Pananalapi, hanggang alas-12 ngayong araw, inilaan na ng mga pamahalaan sa iba't ibang antas ang mahigit 23.4 bilyong yuan RMB na pondo sa pakikibaka laban sa lindol at gawaing panaklolo.
Salin: Ernest
|