• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-06-11 16:31:18    
Dayuhang mamamahayag, tanggap sa nilindol na purok ng Tsina para sa pagbabalita

CRI
Ipinahayag ngayong araw sa Chengdu ng Lalawigang Sichuan ng Tsina ni Wang Guoqing, pangalawang puno ng tanggapan ng impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina na sa anumang yugto ng gawaing panaklolo, panuluyan ng mga apektadong mamamayan o pagpapanumbalik ng produksyon, winewelkam ng pamahalaang Tsino ang mga dayuhang mamamahayag na pumunta sa nilindol na purok para sa pagbabalita.

Winika ito ni Wang sa kanyang pakikipagtagpo sa mga dayuhang mamamahayag na nasa Sichuan para sa pagbabalita. Ipinahayag niyang ipagkakaloob ng pamahalaang Tsino ang ginhawa sa kanilang gawain.

Ipinahayag din ni Wang ang pasasalamat at paggalang sa mga mamamahayag na pumunta sa nilindol na purok para sa pagbabalita pagkaraan ng lindol.

Salin:Sarah